Monday, February 12, 2007

Tatsulok

Kumakain kami sa "Payag" restaurant sa Bohol kasama ang isang kaibigan kong babae. Alam niya na mahilig na talaga ako sa music ni Bamboo going back to the old Rivermaya days.

Sinabi niya na napaunod niya si Bamboo habang nag-promote ng "bagong" album sa ASAP kaninang tanghali. Inisip ko naman, kung may bago na album na si Bamboo, bakit di ko alam? Tinanong ko siya kung ano ang kinanta ni Bamboo. Sabi niya di niya ma-alala ang melody pero ang pamagat ay "Tatsulok".

Ang unang pumasok sa isip ko ay ang bandang Buklod. Tinanong ko siya, ganito ba ang lyrics: ... habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo....

Hindi ko halos mapaliwanag ang saya ko -at lungkot- nang malaman ko na naging mainstream na ang isa sa mga pinakapaborito kong kanta.

Lalo akong sumaya ng malaman ko na si Bamboo ang nag-revive. Kahit noong panahon na iyon, di ko pa narinig ang version ni Bamboo, dama ko na rin ang lungkot. Malungkot ako kasi alam kong, wala nang makapaggawa ng version ng Tatsulok na mas maganda pa sa orihinal na Buklod.

Lalo din akong naging malungkot baka gawin na lang na isang "fashion statement" ito ng music crowd ngayon. Pero ako'y kontento na rin sa pagkaggawa ni Bamboo ng version niya na hindi masyadong "sold out" o "pop" ang dating. Ako namay saludo pa rin sa artistic taste ni Bamboo. Masaya ako ng malaman ko na "we have something in common" with Bamboo - pareho naming gusto ang kantang "Tatsulok"